Random Thoughts 09/24/2015

  • Bakit kaya kung sino pa yung mga taong importante at sobrang mahal natin, sila pa yung nananakit sa atin? Dahil ba kampante sila na hindi natin sila matitiis at kahit kalian ay hindi iiwanan?
  • Anong mapapala mo sa “sorry” kung nasaktan ka na niya? Wala naman diba? Lalo na kung paulit-ulit na lang yung mga ginagawa niya.
  • Bakit ganon? Simple lang naman yung hiling ko sa kanya pero hindi niya kayang gawin. Paulit-ulit ko na lang siyang pinapatawad pero paulit-ulit din niya akong sinasaktan. Sabi ko sa sarili ko kapag inulit niya pa, hihiwalayan ko na siya. Pero hanggang ngayon kami pa din. Nawawalan na ako ng respeto sa sarili ko. Pakiramdam ko wala na akong paninindigan. Kaya kahit siya hindi na din ako nirerespeto.
  • Sabi niya mahal niya ako, pero palagi lang naman niya akong sinasaktan.